PABORITONG PASYALAN SA PILIPINAS
MANILA, Philippines - Pumangalawa ang Pilipinas sa sampung bansa sa buong mundo bilang tourist destinations sa 2013.
Noong 2008, aabot sa 720,000 turista ang nag-wakeboarding sa CamSur Watersports Complex.
Celebrity
Pumangatlo ang Metro Manila sa Top 10 tourist destinations dahil sa pagdagsa ng mga barkong pampasahero mula sa iba’t ibang bansa.
Naitala sa 17,516 turista ang bumisita sa Metro Manila noong 2008 kumpara noong 2007 kung saan paboritong puntahan ay ang Intramuros at Rizal Park.
Lalong lumago ang bilang ng mga turista sa Metro Manila dahil sa pagbubukas ng ilang hotel ng 1,056 kuwarto na maaaring umokupa sa pagdagsa ng mga bumibisiting turista.
Maging ang Tagaytay sa Cavite na pinakamalapit sa Metro Manila bilang tourist destinations ay kinagigiliwan ng mga turista dahil sa kakaibang klima ng panahon na maihahalintulad sa City of Pines.
Ang Baguio na tinaguriang summer capital ng bansa ay isa sa paboritong destinasyon ng masa kung saan aabot sa 20 porsiyento ang itinaas dahil sa pagkakadiskubre ng Kabayan mummies sa ilang kuweba.
Dumagsa rin ang mga turistang nagmula pa sa kung saan at paborito nilang destinasyon ang Cordilleras na malapit lamang sa Baguio City.
Ang ipinagmamalaki naman ng Davao ay ang Eden Nature Park at Crocodile Farm kung saan pinakapaboritong destinasyon ng masa.
Samantala, ang Boracay na may mala-kristal na tubig-dagat at mala-pulbos na buhangin ay pinakapaboritong destinasyon ng mga turistang Taiwanese.
Tumaas sa 72 porsiyento ang bilang ng turista mula sa Shanghai, China matapos na magsimula ang China Airlines at Shanghai Airlines ng kanilang charter flight patungong Pilipinas.
Maging ang Philippine Airlines na may flights mula Hangzhou, China ay naging instrumento para dumagsa ang mga turistang Tsino sa Boracay Island.
Dinadagsa rin ng turista ang Cagayan de Oro dahil sa kakaibang ugali ng mga residente na mapitagan at mapagkumbabang-loob sa kapwa. Isa ang Cagayan de Oro na tinaguriang City of White Water Rafting and River Trekking.
Kasunod nito, ang Zambales na may tatlong oras ang biyahe mula sa Maynila, ay tourist destination na dahil sa nagkalat ang beach resorts at scuba diving areas at surfing spots.
Kasunod nito, ang Zambales na may tatlong oras ang biyahe mula sa Maynila, ay tourist destination na dahil sa nagkalat ang beach resorts at scuba diving areas at surfing spots.
Isa rin sa mga tourist destination ang world-famous Chocolate Hills, ang Bohol Island kung saan idinaraos ang Ecological, Environmental and Educational Adventure Tour (EAT) sa Danao.
Ang 1.5-kilometer ‘Suislide’ zipline ay isa sa attractions at ang 45-meter na mind-blowing experience na lulundag mula sa tulay kung saan gamit lamang ang lubid na nakatali sa paa.
Ilan din sa tourist attractions ay ang caving, river tubing, rappelling, kayaking, at root climbing.
Samantala, ang Puerto Princesa sa Palawan ay dinadagsa rin ng masa kung saan aabot sa 21% ang domestic tourists habang 23% naman ang foreign travelers. Isa sa proyekto ng lokal na pamahalaan ng Palawan ay ang eco-tourism at ang pagbabago ng Puerto Princesa International Airport kaya naman dumagsa at pinahaba pa ang bakasyon ng mga turista sa nasabing lugar.
Mga lugar na pinuntirya ng mga turista sa Batanes ay ang House of Dakay, Lighthouse of Batanes, St. Dominic de Guzman, Mt. Iraya, Mahatao View Deck, Burial Caves, Sumhao Wind power Plant, Nakaboang Beach, Ark & Cave, Songsong Ruins, Chadpidan Beach, White Beach at ang Payaman na tinawag na Marlboro Country.
Sa lalawigan ng Batangas ay patuloy na dinadagsa ng mga lokal at international divers dahil sa mala-kristal na asul na tubig sa 40 dive sites kabilang na ang mga bayan ng Anilao at Mabini.
Kilala rin ang Batangas beaches ng mga turistang beach lovers subalit mas dinadagsa ng masa nang sinumang ibig ma-wash away ang kanilang stress tulad sa Acuatico Beach Resort, Balai Laiya Beach Resort, Coral Beach Club, Brine Valley Resort, Dive and Trek Resort, Lago De Oro Beach Club at marami pang iba.
Kung ikaw saan mo gustong pumunta ?
Source : Philippine Star